Thursday, September 27, 2012

I Had A Strange Dream Last Night, #2



December 30, 2010. Nanaginip na naman ako kagabi.

Nasa MOA (SM Mall of Asia) daw ako, nakatungtong sa malaking globe sa harap ng mall. Kasama ko daw si Joy Viado. May nagpatugtog ng gitara, at kumanta kaming dalawa: "Walang Hanggang Paalam" [by Joey Ayala]:





Napakaganda ng blending ng boses namin ni Joy. Mababa ang boses niya, at ako naman matining. Lalo na sa part na,

"... ang pag-ibig natin ay walang hanggang paalam, at habang magkalayo, papalapit pa rin ang puso...."

Umikot ang globe, at kasabay ng pag-ikot nito, unti-unting nagbabago ang kulay ng langit: araw... gabi.... araw... gabi.

Nag-holding hands kami. Nagputukan ang mga fireworks sa kalangitan.

Pero unti-unting nagbago ang boses naming dalawa. Siya naging boses lalaki na parang si Rey Langit. Ako naman, naging kaboses ni Nora Aunor.

Pero lalong gumanda ang blending ng boses namin. Napaluha ako dahil sa palakpakan ng mga tao: "Kiss!!!! Kiss!!!!", sigaw nila.

Nasa akto nang mag-li-lips-to-lips na kami ni Joy, pero lumakad siya papunta sa ilalim ng globe, hanggang nakatayo siya sa ilalim, upside-down. Naiwan akong mag-isa sa ibabaw ng globe.

Pero tuloy ang pagkanta namin:

"... kahit na magkahiwalay, tayo'y magkasama sa magkabilang dulo ng mundo..."

Yun na yata ang pinakamagandang performance ko. Ang-ganda-ganda daw talaga ng boses ko.

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay Joy Viado sa mga sandaling yon.

Basta ang alam ko, hangang hanga sa akin ang mga tao, hangang hanga daw ako sa sarili ko.

Nagising akong may masidhing pagmamahal at pagmamalaki sa aking sarili.

Nangingilabot ako sa paghanga, hanggang ngayong sinusulat ko ito.



- John Emmanuel T. Manalo, MD
  123010


[photo from wikipedia]

No comments:

Post a Comment