Wednesday, October 3, 2012

My Funny Experience with a Scam Texter

March 2, 2011.
9:36 am

May anonymous texter ako:

Texter: Musta na kau dyan, e2 na bgo qng roaming #. Nasimblock kc ang dati kung gngamt kya d2 na kau lage magtxt. Mag ingat kau lge dyan. Mis q na kau lhat dyan. txtbk.

I decided immediately na maki-ride on sa kanya. Nag-isip ako ng pangalan:

Ako, using my Smart number: Ate Lolit, ikaw ba yan?

Texter: Oo aq 2 musta na kau jan!
Ako: Hanap pa ako trabaho.

Texter: Bkt wla kna trabaho
Ako: Nang iinsulto ka yata ate lolit. Di ba tinanggal mo ako sa trabaho last week.

Hindi siya nagreply. Sinundan ko pa:

Ako: Salbahe ka ate lolit. Lahat kmi niloko mo. Si kuya jun nag heart atak dahl  sa sama ng loob. Inubos mo ang pera ni nanay dahl jan sabisyo mo. At ngyn nagtatago ka, sasabihin mo may roaming ka. Panu ka nakaalis, e kahapon lang andito ka sa bahay nag away kayo ni Bening.

Sinimulan ko siyang sermonan:

Ako: Darating ang karma sayo ate lolit dahl marami kang niloko. Inabuso mo ang kamangmangan ng mga tao sa paligid mo. At ang karma mo ay  masaklap dahl unti-unting mamalasin ka. Dahil masaya ka na sa panloloko mo. Hindi ka aasenso dahil hanggang ganyan lang ang gusto mong gawin, ang mangbiktima  ng tao. Nakikita ka ng dyos. Sinungaling ka, manloloko, at salbahe kang tao. At alam mo yan.

Texter: Ok ba2lk kta sa work

Ako: Panu mo ako ibabalik sa trabaho e binawi na sayo ni bening ang tindahan! Talagang manloloko ka! Lahat ng lumalabas sa bibig mo, puro kasinungalingan at may bahid ng panlilinlang. Kawawa ka talaga. Hindi mo na alam  ang sinasabi mo.

Hindi na siya nagreply. Pero nung gabi na, ginamit ko yung Globe number ko:

9:07 pm

Ako: Lolit bez fren. Anu na nangyari sa yo? Pinag uusapan ka nila sa tindahan, kinuha ko kay ester itong new number mo. naku kmsta ka na ba? San ka nagtatago? Tek care bez. May maitutulong ba ako sa yo?

Texter: Bez d2 na aq hongkong d2 aq nagtatgo wag mo sasbhn kht kanino qng nasan aq pls bez

Ako: Again? Kagagaling mo lang jan nung valentines a. Oy yung gamot mo ha wag mong kalimutang uminom. Bka sumpungin ka ulit. Teka, iniinom mo pa ba yung Thorazine mo?

Ayan, binigyan ko na siya ng sakit. Ang Thorazine ay para sa mga psychotic. 

Texter: Uo bumalk ult aq maaus na naman pakrmdm q hndi na aq snusumpong. ikaw bes ano pnagkaka ablhan mo jan. thmk na aq d2.

Ako: Naku heto dedma lang sa sinasabi nila sa yo. hindi ako nakikisali sa usapan nila, baka lumaki ang isyu. Remember nung nagbenta tayo ng nakaw na stereo, muntik na tayo ipapulis ni kagawad. Buti inayos ni boykwatro.

Hehe, nabigla ako, may history na pala kami ng panga-gantso. At kakontchaba pa namin si boykwatro.

Texter: Kaw lng tlga mpagkaktwlaan q my naicp aq d2ng mgandang pagkakakitaan d2. Tulungan mo nman aq.

Ako: Ha? E bkt ka magbibiznes jan, e di b pinagbawal ka na ni ricky, dahl sa sakit mo.

At ngayon idinamay ko na sa usapan si ricky, pero wala pang linaw kung sino siya sa buhay ni lolit.

Texter: hehe, small bisnes lng naman 2. mgbe2nta aq d2 ng mga prepaid load card ang cardload worth 500 bnebenta d2 ng 1,300 pag sa peso money. mdli lng mgbenta d2 mlki pa kta.

Ako: Prepaid load? Kukumpetensiyahin mo si ricky?

Texter: Hindi naman aq mkkpag kumpitensiya my mga buyer na aq d2. hndi q naman siya aagawn. bes hndi mo b aq tutulungan. kw lang ang contak q jan sa pinas

Ako: Oy mareng lolit angganda mo talaga. Ok ka lang? Panu kita matutulungan e di ba kayo ni ricky ang nagpapaaral sa dalawang anak ko. Patawa ka bez ha.

Texter: Oo nga eh wla naman d2 mabblhan ng load crd. ok qng hndi mo aq tu2lungn aus lng. cge wla na aq pantxt

Ako: Haynaku bez kaw talaga. Napaka mo talaga. Pag isipan mo yan baka magulpi ka ulit ni ricky. O siya txt txt nalang again. Ingat. Uwi agad. Gudnyt bez.

Nakahanap na ako ng text mate. Miz ko na si bes fren Lolit.
  
- John Emmanuel T. Manalo
   March 3, 2011

No comments:

Post a Comment