Wednesday, October 3, 2012

Something unglamorous happened to me today

Friday October 29, 2010, 3pm.

Sa LRT UN Ave station, may mga promo girls namimigay ng sangkatutak na Tiger crackers. Lumapit sa kin ang isa. Sabi nya, "Bring out the Tiger in you, Sir!", sabay sinalpak ang tatlong dakot na crackers sa kamay ko, at siniksik ko lahat sa maliit kong bag na may payong, charger, ipod, shades.

Paglipat ko sa LRT2 Recto Station, nag inspect ng gamit ang guard.
Pagbukas ng bag, nagliparan lahat ang sandosenang crackers, at kumalat sa sahig na parang confetti.

Tumingin lang ang mga tao. Ngumiti na lang ako, gusto kong sumigaw ng, "Merry Christmas!!!!", pero  pinulot ko na lang isa-isa ang mga crackers at pinilit kong pagkasyahin lahat sa halos puputok kong bag.

Taas-noo akong umalis patakbo, kunwari nagmamadali ako.

No comments:

Post a Comment